Inaprubahan ng Philippine Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang Initial Public Offering (IPO) ng Solar Philippines Nueva Ecija Corporation (SPNEC), ang developer ng 500MW solar farm na inaasahang magiging pinakamalaki sa buong Southeast Asia.
Ang 500MW Nueva Ecija solar farm project ng Solar Philippines Nueva Ecija Corporation (SPNEC) ang magiging pinakamalaki sa unang 1 GW ng mga proyekto ng Solar Philippines na planong patakbuhin sa 2022.
Ang SPNEC ay itinatag ni Leandro Leviste, noong 2013 habang nag-aaral sa Yale University. Ngayon ang Solar Philippines ay itinuturing na pinakamalaking solar developer.
Kasama sa iba pang mga proyekto ang isa sa Batangas na may operational na 63 MW sa pakikipagtulungan sa Korea Electric Power Corporation; isa sa Tarlac, na may 200 MW katuwang ang Prime Infra ng Razon Group; at dalawa pa sa Batangas at Cavite na may pinagsamang kapasidad na 140 MW na planong maging ganap na operasyon sa 2022. | BNC