Binuksan na sa publiko ng Department of Health (DOH) CALABARZON ang kauna-unahang super health center sa bansa na matatagpuan sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas.
Ito ay sa koordinasyon ng DOH-CALABARZON at Ibaan LGU , ibat-ibang stakeholders sa kalusugan kabilang ang pribadong grupo at industriya kung saan na-upgrade at na-convert ang Ibaan Rural Health Unit sa isang polyclinic o isang super health center, na makapagbibigay ng lahat ng pangunahing pangangailangan sa kalusugan kabilang ang mga espesyal na serbisyong pangkalusugan sa lokal na antas.
Sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo, ito ang una at tanging tunay na super health center sa bansa na may mas mataas na pamantayan ng pangangalaga kaysa sa regular na rural health center at magbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga tao sa komunidad.
Alok ng pasilidad ang basic health services kabilang ang database management, out-patient (opd), tb dots, birthing, isolation, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy and ambulatory surgical unit. Ganundin ang EENT service ( eyes, ears, nose and throat), oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine, kung saan gagawin ang malayuang pagsusuri at paggamot sa mga pasyente
Ang Ibaan Super Health Center ay pilot project ng Office of the Director’s Special Development Programs na pinangunahan ni Regional Director Eduardo C. Janairo na layong makapagbigay ang mga local health care facilities ng basic health care services at ma- accommodate ang mga pasyente na nangangailangan ng operasyon at specialized health care services. | BNC