fbpx

TOP 3 MOST WANTED PERSON NG LAS PINAS PNP, NADAKIP SA BATANGAS

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Warrant & Subpoena Section at Intelligence Section ng Las Piñas Police ang isang lalaki dahil sa kasong rape kasunod ng ikinasang operasyon sa Batangas.

Ayon kay PBGen. Jimili Macaraeg, Director ng Southern Police District (SPD), ang akusadong si Jomari Pasagui ay No. 3 Most Wanted Person ng Las Piñas PNP dahil kasong rape.

Matapos ang krimen ay nagtago ito sa Brgy. Santiago, Sto. Tomas, Batangas kung saan nahuli ng mga awtoridad.

Sa ngayon, nakakulong na sa Custodial Facility ng Las Piñas PNP ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. | BNC

About Author