Posibleng patawan ng diskwalipikasyon ang mga kandidatong papayag na magkaroon ng physical contact sa kanilang mga supporter kapag magsimula na ang kampanyahan sa 2022 Elections.
Sa inilabas na guidelines ng Comelec, mahigpit na ipagbabawal ang pagyakap, paghalik at selfie ng mga kandidato sa kubuoan ng campaign trail.
Kabilang din sa mga ipinagbabawal ng Comelec sa kampanya ay ang handshakes at pamamahagi ng pagkain at tubig sa mga rallies sa gitna ng mga politikal na pagtitipon.