Batay sa pinakabagong Total Remuneration Survey (TRS) ng Mercer, inaasahang nasa 5% ang median pay increase sa bansa sa 2022, kung saan lahat ng industriya ay may dagdag-kita.
Mas mababa pa rin ang inaasahang dagdag sa sahod ng mga Pilipino sa 2022 kumpara sa regional average sa Asia Pacific, base sa poll na isinagawa ng asset management firm ng Mercer kamakailan.
Inaasahang magtatala ng pinakamataas na dagdag sa median salary sa High Tech industry mula 5 % hanggang 5.8%, sumunod ang Retail and Wholesale up hanggang 6%, at Consumer Goods mula 0.2 hanggang 5.2%. Pinakamababa naman sa chemical, manufacturing, at non-financial services sectors. |BNC