Dalawang Grade 8 students ang nabiyayaang maging iskolar sa ilalim ng Project Kaagapay: “Kuya Kong Pulis, Kaagapay tungo sa Magandang Buhay” ng PNP Tanauan.
Sa pamamagitan ng inisyatiba ni PLTCOL Ariel B. Azurin, Acting Chief of Police ng Tanauan City Police Station, tumangap ng tig-isang unit ng Huawei T10 LTE with Sonny Headphones, at OTG flash drives sina Elyssa Mei B. Lachica mula sa Natatas National High School at Precious Kyle G. Dimailig mula sa Malaking Pulo National High School makaraang mapili silang maging benepisyaryo ng naturang programa.
Bukod sa mga gadyet na magagamit sa kasalukuyang “blended learning”ang dalawang estudyante ay makakatanggap din ng tig P1,000.00 allowance kada buwan para makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Ang mga estudyanteng naging benepisyaryo ng naturang programa ay pawang mga honor student at Top 1 sa kanilang klase.
Sinaksihan ang turn-over of donation ni Vice Mayor Atty. Herminigildo “Junjun” Trinidad Jr., Mr. Casiano Saniano, Chief of Staff/Local IATF Secretariat, DILG Officer Ms. Lorna Silva, SK Federation President John Kennedy Macalindong, Mr. Edison Jallores, Community Affairs Office Acting Department Head, at Mr. Manny Lascano mula sa private sector. Dinaluhan rin ito ni Mr. Romel G. Villanueva SEPS-SMN, Mr. Vincent Ambalong, Teacher In-Charge ng Malaking Pulo NHS, Mr. Kenneth D. Lat, Guidance Coordinator ng Natatas NHS.
via Tanauan City Information Office