
Pinalagan ni VP Leni Robredo nitong Martes ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng balitang nangongolekta ang kanyang opisina ng voter information sa pamamagitan ng online medical consultation program nito, para sa covid.
Nagpahayag si Robredo sa kanyang Facebook, bilang reaksyon sa screenshots ng posts na nagsasabing ang Bayanihan e-Konsulta program ng opisina nito ay diumano’y nangangalap ng personal na impormasyon ng mga botante.
Pinasinayaan ng Office of the Vice President ang e-Konsulta program sa paglobo ng coronavirus infections noong Abril.
Aniya pa, libo-libong benepisyaryo at halos 4,000 program volunteers ang makapagpapatunay nito.