fbpx

‘NO VACCINATION, NO RIDE’ SA PUBLIC UTILITY VEHICLES SA NCR, INUTOS NG DOTR

Ipapatupad na ng Department of Transportation (DOTr) ang ‘no vaccination, no ride/entry’ policy sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region habang nasa ilalim pa ng Alert Level 3 ang dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Inisyu ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Department Order No. 2022-001 nitong Enero 11, 2022 na tanging ang mga fully-vaccinated individuals lamang ang pagkakalooban ng public transportation access sa mga pampublikong transportasyon.

Maaari umanong patunayan ang full vaccination status ng isang pasahero sa pamamagitan nang pagpapakita ng physical o digital copies ng kanilang local government unit-issued vaccine card.

Exempted naman mula sa naturang “no vaccination, no ride” policy ang mga taong hindi maaaring magpabakuna laban sa COVID-19 dahil sa kanilang medikal na kondisyon, ngunit dapat na may maiprisinta itong duly-signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang doktor. | JP

About Author