
Usap-usapan ngayon sa social media ang “vaccination t-shirt” matapos i-imprenta ng isang print shop owner sa Lipa City, Batangas ang kaniyang vaccination card sa harap at likod ng kaniyang damit.
Naisip ni Jojo Pasia ito dahil lahat aniya ng establisyementong pinapasukan niya ay kailangan i-pakita ang vaccination card kaya naman ini-scan niya ang kanyang ID at itinatak sa t-shirt.
Naging hit ang t-shirt na ito matapos niyang i-suot at i-post sa kanyang social media.