Nakatakdang ipamahagi ng Department of Labor and Employment ang ikatlong bugso ng cash assistance para sa mga manggagawa sa formal sector na apektado muling pagpapalawig ng alert level 3 sa Metro Manila na tatagal hanggang sa katapusan ng Enero.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaasahang posibilidad na maraming manggagawa ang pansamantalang ma-terminate o mababawasan ang oras ng pagtatrabaho kaya naghanda ang departamento para sa sektor ng industriya.
Ayon sa DOLE, makakatanggap ng tig-P5,000 ang 200,000 manggagawa bago matapos ang buwan ng Enero.
Ang naturang ayuda ay katumbas ng isang bilyong pisong sa ilalim ng covid-19 adjustment measures program o camp ng pamahalaan.
Ayon sa datos ng DOLE, para sa unang anim na araw ng taon, 3,000 manggagawa na sa bansa ang nawalan ng trabaho sa mahigit 200 establisimyento makaraang magsara ang kanilang kumpanya habang ang iba naman ay na-retrench o naalis sa kanilang trabaho.