fbpx

NAKATAYONG PASAHERO SA BUS, ‘DI PA DIN PWEDE AYON SA LTFRB

Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na hindi pa rin maaari ang mga nakatayong pasahero sa bus.

Sa briefing ng Laging Handa, tinalakay ni LTFRB Regional Director Atty. Zona Tomayo, na ang 100 percent seating capacity sa mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng Alert Level 1, ay nangangahulugan lamang na dapat ay nakaupo ang lahat ng pasahero.

Patuloy pa rin aniya ang gagawing pag-iinspeksyon ng enforces on ground, upang matiyak na masusunod pa rin ang basic health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at disinfection ng mga sasakyan.

About Author