Pinaiimbestigahan ng Bayan Muna party-list sa Kamara de Representantes ang hindi umano nabayarang estate tax ng pamilya Marcos na umaabot na sa P203 bilyon ang halaga.
Sa inihaing House Resolution 2553, hiniling nina Representatives Eufemia Cullamat, Carlos Isagani Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Good Government and Public Accountability na pangunahan ang imbestigasyon.
Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpadala ito ng demand letter sa pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., noong Disyembre 2, kaugnay ng hindi pa nababayarang estate tax, na ang inisyal na halaga ay P23 bilyon at lumaki na sa P203 bilyon dahil sa mga multa. | JMP