Dalawampung bahay ang natupok sa sunog na tumama sa isang residential area sa Poblacion 9, Catbalogan City nitong Martes, Hunyo 7.
Ang sunog na umabot sa ikatlong alarma ay ganap na tumupok sa limang bahay at bahagyang nasunog ang 15 iba pa.
Nabatid sa mga inisyal na ulat na nagsimula umano ang sunog sa tirahan ng isang Rowena Agbon alas-3:10 ng hapon. Hindi pa matukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) Catbalogan ang sanhi ng sunog.
Agad namang nirespondehan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, kasama ang Bureau of Fire Protection at Catbalogan Filipino-Chinese Fire Volunteer Brigade, ang sunog. Nirespondehan din ng mga kalapit na istasyon ng bumbero ng Jiabong at Motiong ang sunog.
Walang naiulat na nasugatan o namatay sa sunog na naapula alas-4:12 ng hapon. ngunit karamihan sa mga apektadong pamilya at kabahayan ay hindi nailigtas ang kanilang mga ari-arian. Tinatayang nasa P800,000 ang danyos ng ari-arian sa sunog. | Balisong News Team | MSMari