fbpx

LINGGUHANG RADIO SHOW NI VP LENI ROBREDO, MAGWAWAKAS NA

PHOTO | VP LENI ROBREDO FB

Kasabay ng pagtatapos ng kanyang termino, magwawakas na rin ang lingguhang public service radio show ni outgoing Vice President Leni Robredo na BISErbisyong Leni ngayong darating na Linggo

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez, ito ay nakatakdang matapos ngayong darating na Hunyo 26 at pupunta sila upang daluhan ang huling episode nito. Nagsimula ang programa noong Mayo 2017 upang harapin ang mga isyu patungkol sa gobyerno, legal at serbisyo publiko. 

Ang radio program ni Robredo tumagal ng 226 na episode at ipinalabas din sa Cebu, Cagayan De Oro, Davao, at Naga City. Kaugnay nito, kasalukuyan nilang tinutuklas ang mga bagong platform kung saan maaring ipahayag ni Robredo ang kanyang mga saloobin kahit na ito’y magiging pribadong mamamayan. 

Nakatakdang ilunsad ng papaalis na Bise Presidente ang paglikha ng Angat Buhay Foundation, na nakatakdang magsimula sa Hulyo 1 at magdadala ng ilang sa kanyang mga pangunahing mga programa. Maglulunsad din si Robredo ng kampanya para labanan ang disinformation at fake news sa social media. | James Tiangco

About Author