Nagsagawa ng press briefing si Press Secretary Rose Beatrix ‘Trixie’ Cruz-Angeles para sa Malacañang Press Corps (MPC) ngayong Lunes, Hulyo 4, 2022.
Kalmado at direktang sinagot ni Cruz-Angeles ang mga katanungang ibinato ng mga mamamahayag mula sa iba’t-ibang news outlets at organizations sa bansa. Isa sa tinalakay ang tungkol sa House Bill 7575.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na lubos na sinusuportahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at Freeport at ang kanyang desisyon na i-veto ang House Bill 7575 na nilayon upang solusyonan ang mga depektong nakita sa panukala.
Ayon kay Cruz-Angeles, dumadaan sa masusing proseso ang ginagawang pagpili sa mga kandidato para sa mga posisyon na kukumpleto sa gabinete ng pangulo. Sa ngayon nasa final evaluation stage na ang pagpili kaya naman hindi na umano ito matatagalan.
Nabanggit din ang tungkol sa state visits na gagawin ni PBBM kabilang na rito ang China at ang United States, ngunit saad ng press secretary na abala sa ngayon ang pangulo sa pagkukumpleto o masusing pagsusuri sa mga opisyales na kukumpleto sa kanyang gabinete.
Bukod dito, natalakay rin ang tungkol sa isasagawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Marcos Jr., gayundin ang pagpapasa ng national budget.
Samantala, bilang press secretary, si Cruz-Angeles ang namumuno sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).– via | JADE CONCEPCION