Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 10-anyos na bata matapos tangayin ng ilog makaraang maitulak umano ng kanyang kalaro sa Jaro, Iloilo
Ayon sa awtoridad, ang bangkay ng bata ay ilang araw nang pinaghahanap ay natagpuan sa araw mismo ng kanyang ika-10 kaarawan.
Base sa ulat, tinangay ng ilog ang batang si John, noong Lunes sa Barangay Cubay, Jaro. Aksidente umano itong naitulak ng isang kalaro.
Nitong Miyerkoles, natagpuan ng isang mangingisda ang katawan ng bata sa Barangay Hinactacan sa La Paz, Iloilo.
Sa ngayon patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.