fbpx

PILIPINAS, MAG-AANGKAT NG TONE-TONELADANG ISDA

Mag-aangkat ng 25,000 metriko tonelada ng isda ang Pilipinas para sa mga wet market.

Batay ito sa Special Order No. 1002 series of 2022 na nilagdaan ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Ito ay kasabay ng pagsisimula ng closed fishing season ngayong buwan ng Nobyembre hanggang Enero 2023.

Kabilang sa mga aangkatin ang galunggong, mackerel, bonito, at moon fish.

Una nang hinikayat ng mga grupo ng mangingisda sa Pangulong Bongbong Marcos na itigil na ang importasyon at sa halip ay palaksin na lamang ang lokal na produksyon.

About Author