Pinangunahan nina City Mayor Nas Ona at City Health Officer, Dr. Sharon Ona ang information drive ng pamahalaang lungsod sa Barangay Puting Bato West, Calaca City, Batangas ang Drug Awareness Program na may layuning maipalaganap ang kaalaman tungkol sa masamang dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, bilang pakikiisa sa adhikain ng Drug Control and Prevention Week.
Nilahukan ng mga Sangguniang Kabataan Chairperson at mga opisyal ng Sangguniang Barangay ng Barangay Puting Bato West ang nasabing Drug Awareness Program na sinuportahan naman ng iba’t ibang samahan at mga Person Who Use Drugs (PWUDS), katuwang ang kapulisan sa pangunguna ni OIC-PLTCOL. Ruel Lito Fronda.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ang lokal na pamahalaan ng Information, Education & Communication (IEC) campaign kung saan tinalakay ang iba’t ibang paksa tulad ng epekto ng iligal na droga, Barangay Drug Clearing, at Penalties Involving Illegal Drugs.