Pinag-aaralan na ngayon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang pagtaas ng multa at pagpataw ng parusa sa batas trapiko sa bansa kung saan balak ipatupad sa Enero sa susunod na taon.
Isinusulong na kasi ng MMDA ang single-ticketing system upang maging pare-pareho lang ang multang pinapataw ng mga lokal na pamahalaan.
Sakaling maipatupad ng, ang hindi pagsusuot ng helmet sa motorsiklo ay papatawan ng multang P1,500. Ang hindi awtorisadong helmet, P3,000 naman ang multa.
Magkakaroon din ng multa sa mga backrider. Ang nakatsinelas, sandals o nakapaa lamang, P500 ang multa sa unang offense, P700 sa ikalawang offense at P1,000 sa ikatlong paglabag at kukumpiskahin na ang lisensiya.
Ang loading at unloading sa hindi awtorisadong lugar ay magiging P1,000 na ang multa, na dati ay P500 lamang.
Ang overspeeding, P1,000 na ang multa, habang ang nag-counterflow ay P2,000 kung walang nadisgrasya at P5,000 naman kung may nahagip o nasirang ari-arian. Samatalang ang paglabag sa number coding at mga traffic sign ay P500 naman ang multa.
Siniguro naman ng LTO na daraan sa mga pampublikong konsultasyon ang ilalatag na mga panuntunan para sa Single Ticketing System. Habang ang Technical Working Group, isasapinal pa kung ang ipapataw na halaga sa multa ay karapat-dapat.