Nakapagtala ng nasa 677 kaso ng hand, foot and mouth disease ang Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) sa Ilocos region mula Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 12.
Ayon sa DOH-CHD-Region 1 medical officer Dr. Rheuel Bobis na 424 HFMD cases ang naitala sa Pangasinan, 200 sa La Union, 43 sa Ilocos Norte at 10 sa Ilocos Sur.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na panatilihin ang paghuhugas ng kamay at panatilihin ang good proper hygiene upang makaiwas sa HFMD.
Hindi bababa sa 31 ang kaso sa lugar sa Rehiyon 1 ang binabantayan dahil sa pagkakaroon ng mga hinihinalang kaso ng HFMD. Karamihan sa mga kaso ay nasa Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.