Mabilis na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin mula 2 percent hanggang sa pinakamataas na 13 percent nitong mga nakalipas na linggo dahil sa papalapit na Holiday season, ayon sa pahayag ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. nitong Lunes.
Anila, karamihan sa mga tumaas ang presyo ay ang mga ready-to-drink beverages, peanut butter, chocolate, at iba pang matatamis na bilihin.
Sa isang panayam sinabi ng presidente ng grupo na si Steven Cua , higit sa 20 manufacturer ang humiling na ng price increase sa bilihin, kabilang ang non-essential items.