
Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang Arvin Luzaran Sumague matapos magpanggap itong pulis.
Sa report ng pulisya, nakatanggap ng reklamo ang IMEG mula sa complainant dahil kinikil umano siya ng suspek mula sa pasugalan sa burol ng kanyang namatay na pinsan.
Matapos matanggap ang reklamo tinungo agad ng mga operatiba ng IMEG ang naturang lugar.
Ayon sa ulat, sakto namang pagpunta rin ng suspek para kuhanin ang kanyang protection money ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.
Dito nabisto na nagpapanggap lamang na pulis si Sumague dahil wala itong maipakitang katibayan na siya nga ay isang pulis. Sa ngayon, hawak na ito ng PNP para kasuhan ng robbery-extortion at usurpation of authority