Inilabas na ng Social Security System (SSS) ang 13th-month benefits at buwanang pensyon ng eligible members nito sa unang linggo ng Disyembre, para maagang makapagwithdraw ng pera bago ang holiday season.
Ayon kay SSS Chief Executive Officer Michael Regino nasa P29.74 billion na halaga ang inilaan para sa benepisyo ng 3.36 million pensioners.
Nagsimula ang pamamahagi ng unang batch ng pensions sa Disyembre 1, ayon sa SSS.
Samantala, ang second batch naman ay magsisimula sa Disyembre 4, na nangangahulugang ang pensioners na nakatakdang makakuha sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 31 ay makukuha ito nang mas maaga.