fbpx

14th Batangas Development Summit 2022, isinagawa

May temang One Batangas: Gateway to Progress ang 14th Batangas Development Summit 2022 na ginanap nitong, December 2 sa Lima Park Hotel Lipa-Malvar, Batangas.

Nagsilbing speakers ngayong taon sina BatStateU – The NEU President Dr. Tirso A. Ronquillo, Aboitiz InfraCapital Economic States Head, LIMA Land, Inc. and Cebu Industrial Park Developers President Mr. Rafael Fernandez de Mesa.

Dumalo rin sa nasabing programa si Batangas Governor Dodo Mandanas at sinabi niya sa kaniyang pahayag na ang Lalawigan ng Batangas ay may napakalaking kontribusyon sa panlipunan, ekonomiya, at pulitikal na pag-unlad hindi lamang ng mga Batangueno kundi ng buong bansa.

Ang summit na ito aniya ay makatutulong sa socio-development ng Batangas. Ang Batangas Development Summit (BDS) 2022 ay isang taunang kaganapan kung saan nagtitipon ang mga namumuno sa mga sektor ng negosyo, pamahalaan, at akademya upang talakayin ang mga oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya at panlipunan sa Batangas at sa CALABARZON.

About Author