Pormal nang naisalin ng Department of Agriculture – Agriculture Training Institute (CALABARZON) ang programang Binhi ng Pag-Asa sa pangangalaga ng 485 kabataan mula sa lalawigan ng Batangas.
Pinangunahan ito ng tanggapan ng Provincial Agriculturist at Provincial Veterinarian, kasama ang mga City at Municipal Agriculturist na mga naging katuwang ng ATI 4-A sa pagsasakatuparan ng Binhi ng Pag-Asa Program.
Ilan sa mga proposed project ng labing-siyam (19) na batch mula sa mga bayan at lungsod ng Batangas ay ang beekeeping, hydroponics, aquaponics, urban gardening, native pig, rabbit raising at native at free-range chicken.
Ayon kay Ibaan Mayor Joy Salvame, inaasahang magagamit ng mga kabataan ang mga agricultural technologies at practices sa pagpapaunlad ng kani-kanilang proyekto bilang suporta sa adbokasiyang food security sa kanilang komunidad at bayan.