fbpx

Pagbabawal sa pampano, salmon sa mga palengke ipagpapaliban muna ayon sa BFAR

Ipagpapaliban muna ang planong pagbabawal o pag-ban sa pagbebenta ng mga salmon at imported na pampano sa mga palengke at supermarket ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

Anila, itoy matapos ng moratorium sa bagong istratehiya na ipatutupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) 195.

Tugon anila ito sa hinaing ng mga tindero at tindera maging ng iba pang stakeholders na nagsasabing “anti-poor” ang naturang plano.

Kaya naman maghihigpit na lamang sila sa mga cold storage at pantalan upang maiwasan na makapasok ang mga imported na isda nang walang kaukulang dokumento.

Kasunod nito ay nangako ang BFAR na magsasagawa ng pagbusisi sa polisiya nila tungkol sa fish importation at inaasahang maglalabas ng bagong regulasyon dito pagsapit ng 2023.

About Author