Umabot naman sa 1,147 na bag na puting sibuyas ang nakumpiska din sa isinagawang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa isang warehouse sa DNR Building sa Sto. Cristo Street sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, ang nasabing sibuyas ay iligal na ipinasok sa bansa na nagkakahalaga ng P1.95 milyon.

Sa isigawang naturang operasyon, nakita ang sangkaterbang bag ng puting sibuyas na iligal na nakarating ng bansa dahil wala itong kaukulang permit sa anumang ahensiya ng pamahalaan.

Agad na kinumpiska ang mga nasabing sibuyas na kasalukuyan naka-imbak at binabantayan sa Bureau of Plant Industry o BPI warehouse sa Malate, Manila.