fbpx

Alam mo na ba kung paano i-rehistro ang mga SIM Card?

black smartphone on black table top

Basahin muna ang ilang paalala bago mag-rehistro ng SIM card sa mga link ng Telco Provider sa bansa.

Matapos maglabas ng anunsiyo ang pamunuan ng National Telecommunications o NTC hinggil sa pagsisimula ng SIM Card Registration Bill narito ang Implementing Rules and Regulations.

Tandaan: LIBRE ang pagpaparehistro ng SIM, walang bayad o anumang fees.

Paano nga ba Mag-register?

Simula kasi sa Disyembre 27, ang mga bagong bili ay dapat na nakarehistro upang magamit.
Narito ang mga sumusunod na impormasyon na inyong ilalagay:
• Buong pangalan
• Kaarawan
• Kasarian
• Kasalukuyan o Opisyal na Address
• ID o ID Number
NOTE | May liveness check o selfie photo na hihilingin para sa validation.

Paano naman kung ang bagong SIM Card ay gagamitin para sa Negosyo o organisasyon:
Narito ang sumusunod na kailangang dokumento:
• Pangalan ng Negosyo
• Address ng Negosyo
• Buong Pangalan ng Awtorisadong Pumirma

Para sa mga existing o lumang SIM Smart, Globe Subscribers, kailangan parin magparehistro simula December 27, 2022.
Para sa SIM ng mga menor de edad, dapat itong nakarehistro gamit ang pangalan ng kanilang magulang o tagapag-alaga.

Paano naman kung ang mga dayuhan/turista ay magpaparehistro ng SIM Card, ito ang mga hinihiling na dokumento:
• Buong pangalan
• Nasyonalidad
• Kaarawan
• Passport
• Address sa Pilipinas
• Uri ng Paglalakbay o dokumento ng pagpasok na ipinakita
• Numero ng ID o Numero ng Dokumentong Iniharap
Tandaan: Ang SIM Card ng turista ay mag-e-expire pagkalipas ng 30 araw at ito ay ide-deactivate.

Ang ilang mga dayuhang mamamayan na may iba pang uri ng Visa ay maaari lamang makakuha ng SIM kahit na walang 30-araw na petsa ng pag-expire.

Iba pang mga katanungan:
* Ilang SIM ang pwede kong irehistro?
Walang limitasyon sa kung ilang SIM ang gusto mong irehistro.
* Bakit kailangang irehistro ang SIM?
Para hindi ito magamit sa krimen, text scam, bank fraud, libel, trolling, hate speech, pagkalat ng fake news at iba pa.
* Ano ang mangyayari kung hindi ko mairehistro ang aking SIM?
Batay sa batas, kung hindi mo mairehistro ang iyong SIM sa loob ng 180 araw pagkatapos maging batas ang RA 11934, DEACTIVATED o hindi na magagamit ang iyong SIM.

Kaya’t pinapaalalahanan ng NTC ang mga mamamayan na iparehistro ang mga ginagamit na sim card upang maiwasan ang aberya.

Pero pwede itong i-extend depende sa NTC.

Here are the links to remember on December 27, 2022 for the SIM Card Registration.
For DITO Subscribers,
https://dito.ph/RegisterDITO


For Globe Subscribers,
https://new.globe.com.ph/simreg

For Smart Subsribers,
https://smart.com.ph/simreg

Mag-ingat sa mga pagfill-up ng link, i-check muna ang URL ng website kung tama bago ilagay ang mga impormasyon, at huwag maniniwala sa mga e-mail na natatanggap para i-rehistro ang SIM Card na hindi mismo galing sa mga Telco provider ng bansa lalo’t ginagamit lang ang pangalan o logo ng mga kumpanya.

About Author