fbpx

Ilang bahagi ng Luzon uulanin dahil sa LPA, amihan – PAGASA

Inaasahan na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Biyernes, Disyembre 23 ang pinagsamang na low-pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan , ayon sa PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan 275 kilometro silangan hilagang-silangan ng Surigao City. Dahil dito ay inaasahan pa ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang sa araw ng Pasko.

Asahan pa rin ang patuloy na makulimlim na panahon na may mahihinang pagulan sa Eastern Luzon, samantalang scattered rain showers and thunderstorm naman sa Palawan

Metro Manila and the rest of Luzon ay makakaasa pa rin ng maaliwalas na panahon at may tiyansa ng mahihinang pagulan dala pa rin ‘yan ng epekto ng ating amihan.

Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Visayas dahil sa LPA samantala ang Mindanao naman ay magkakaroon ng mas maayos na panahon.

About Author