fbpx

Nakakakanser nga ba ang pagsusuot ng bra sa pagtulog

Woman showing her bra

Nasabihan ka na rin ba ng mga matatanda na huwag kang magsuot ng bra sa pagtulog? Masama raw kasi ito at baka raw magkabukol ka sa dibdib at maging sanhi pa ng breast cancer. Gaano nga ba ito katotoo?

Free lady's back wearing lingerie

Kung isa ka rin sa mga natakot, ay huwag kang mag-alala, dahil ayon sa pag-aaral, walang siyentipikong ebidensya na magpapatunay na nagiging sanhi ng kanser ang pagsusuot ng bra kahit matutulog na. 

Ayon sa Harvard School of Public Health, ang bra ay nakatutulong upang hindi ma-damage ang fat tissues sa dibdib ng babae dahil sa mga mabibigat na aktibidad na ginagawa nito sa pang-araw -araw. Nakatutulong din ang bra upang maiwasan ang pananakit ng likod, partikular na ng mga babaeng may mas malaking hinaharap o ‘di kaya naman ay ‘yung mga nagpapasuso ng sanggol.

Woman showing her bra

Ayon naman kay Dr. Cassan Blake ng Cleaveland Clinic, bagamat walang koneksyon ang pagsusuot ng wired bra habang tulog sa pagkakaroon ng breast cancer, mainam pa rin na siguraduhing naaayon ang sukat ng isinusuot na bra upang maiwasan ang pananakit ng likod at dibdib.


Diin pa ng mga eksperto, nasa sa iyo naman kung nais mong tanggalin o hindi ang bra kapag matutulog. Tandaan na ang pinaka importante sa lahat ay sundin mo kung saan ka kumportable.AJGO, Intern

About Author