fbpx

MANGINGISDA, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG DI PA KILALANG GRUPO SA QUEZON

Dead-on the spot ang isang mangingisda habang sugatan ang kanyang kasamahan matapos pagbabarilin na hindi pa kilalang grupo nitong Miyerkules sa dagat ng Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alvin Ramirez, 32- anyos habang ang sugatang kasama ay si Teody Lebris.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang sakay ng kanilang bangka ang mga biktima para sa pangingisda ay bigla na lang pinagbabaril.

Tinamaan ng bala sa mukha si Alvin matapos ang mga pinakawalang bala ng mga suspek.

Sa ngayon sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng biktima, habang patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

About Author