fbpx

ESTUDYANTE, PATAY SA SAKSAK NG KAKLASE SA LOOB NG PAARALAN

Isang estudyante na Grade 7 ang pinatay ng kaniyang kaklase matapos saksakin dahil umano sa selos sa loob mismo ng Culiat High School sa Quezon City

Ayon sa ulat ng otoridad, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa saksakin ng binatilyo ang biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa Hospital pero binawian din ito ng buhay dahil sa grabeng sugat na kanyang tinamo.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang binatilyo sa kanilang tahanan habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na 15-anyos.

About Author