Arestado ang isang 31 anyos na lalaki na tinaguriang Most Wanted Person sa Calabarzon dahil sa kinasasangkutang kaso nito na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law.

Nadakip ng otoridad ang suspek na si Ryan Mercado, isang mangingisda nito lamang Lunes sa San Juan, Batangas.
Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, nangyari ang krimen noong July 07, 2022, kung saan inaresto ang suspek sa bisa naman ng warrant of arrest.
Sa ngayon, dinala sa nasabing istasyon si Ryan para sa tamang disposisyon habang nagrekomenda naman ang korte ng P80,000.00 na piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.