fbpx

LALAKING MIYEMBRO UMANO NG FRATERNITY, NATAGPUANG PATAY SA DAMUHAN SA RIZAL

Isang 29-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa isang damuhan sa Antipolo City dakong alas-9:00 ng gabi nitong Lunes.

Ang biktima kinilalang si Enrico Cruz, miyembro umano ng  Triskelion Fraternity, kung saan nakita ang bangkay nito sa Brgy. San Luis, Antipolo City.

Batay sa ulat ng pulisya, namatay sa palo sa ulo ng matigas na bagay ang ikinasawi ng biktima.

Sa imbestigasyon pa ng otoridad, huling nakitang buhay ng kanyang mga kaanak ang biktima dakong alas-8:00 ng gabi matapos magpaalam na makikipagkita ito sa kanyang mga ka-brod.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang matunton ang salarin at alamin ang motibo nito sa pagpatay.

About Author