Makakatanggap ng one-time P50,000 inflation at medical assistance ang mga empleyado sa senado, ito ay ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Lunes.
Ayon kay Zubiri, ang inflation assistance ay madadagdagan, mula sa kasalukuyang P12,000 ay magiging P50,000, at inaasahan maibigay sa darating na Agosto.
Bukod dito, inanunsyo din nito na madadagdagan ng P20,000 ang medical assistance ng mga emplayado, mula sa kasalukuyang P30,000 ay magiging P50,000 at inaasahan maibibigay sa Setyembre.
Ito umano ay para makatulong sa mga empleyado ng Senado sa mga pagtaas ng presyo ng bilihin at napakamahal na check-up at pagamot sa kasalukuyan.
Ayon pa sa kaniya, ang pagtaas ng incentives ay galing sa senate’s savings at nararapat lamang na tularan ng ibang government offices para ma-motivate ang kanilang mga empleyado. | via J.Laydia intern