fbpx

ALAM MO BA NA MAY BENEPISYO ANG PANONOOD NG HORROR MOVIES?

man holding remote control

Guilty pleasure mo rin ba ang panonood ng horror movies kahit todo takip ka naman ng mata sa bawat eksena? Kung oo, aba’y worry no more! Paniguradong hindi ka mamamatay sa sindak dahil may benepisyong taglay naman pala sa kalusugan ang panonood ng nakakatakot na palabas.

Ayon kasi sa isang artikulo ng India Times, the more na natatatakot ang isang tao ay the more rin na bumibilis ang tibok ng puso nito. Ayon kasi kay Dr. Robert Shmerling ng Harvard Health Publishing, ang mabilis na pagtibok ng puso ay nakatutulong upang maayos na dumaloy ang oxygen at dugo sa ating katawan. Kung titignan, ang panonood ng horror ay para na ring katumbas ng ehersisyo, partikular ang cardio exercise.

Sa isang artikulo naman ng The Guardian, lumalabas na sa isang pag-aaral, napag-alamang ang panonood ng nakakatakot ay kayang makapagbawas ng calories sa katawan na katumbas sa calories na mayroon ang isang chocolate bar. Ayon pa sa pag-aaral na ito, ang mga horror movies na may mga nakagugulat na eksena ay mas epektibong panoorin.

Samantala, mainam din ang panonood ng horror sa mga taong may phobia. Maging ang mga doktor kasi ay ginagamit ang ganitong pamamaraan upang gamutin ang mga pasyenteng may ganitong kondisyon. Ito nga ang tinatawag na exposure therapy, kung saan literal na ine-expose ang tao sa kinatatakutan nito upang sirain ang pattern na pag-iwas nito sa kanyang phobia.

Nakakatakot man, may dulot din naman pala. Kaya ano pang iniintay mo? Yayain mo na ang pamilya o kaya naman ay mga tropa. Simulan mo nang i-binge watch lahat ng horror movies sa watch list mo dahil for sure hindi nakakatakot ang hatid nito sa kalusugan mo. –AJGO, Intern

About Author