Ipaparada ang tropeo na ibibigay sa mga nanalo ng Fifa Women’s World Cup para sa isang promotional tour sa Manila City, ayon sa pahayag ng Philippine Football Federation (PFF) noong Miyerkules.
Magsasagawa ng public event sa Glorietta Activity Center sa March 1 kung saan ay mabibigyan ang mga football fans at mallgoers ng pagkakataon maipakita ang kanilang suporta, bago makilahok ang Philippine women’s football team sa pinakamalaking showpiece ng Fifa sa darating na July.
Ikinagagalak naman tanggapin ni PFF President Nonong Araneta ang nasabing tropeo, aniya patuloy ang pananabik para sa pasinaya ng mga Filipina sa pinakaprestihiyosong women’s football tournament sa buong mundo.
Magiging ikatlo sa hinto ang Manila sa ginagawang tour ng Fifa bago ang simula ng World Cup. Una munang daraan ang tropeo sa bansang Japan bago ang katapusan ng linggo patungong South Korea sa susunod na lunes.
Matapos ang mga nasabing bansa, ang tropeo ay pupunta sa Vietnam, China, Morocco, South Africa, Zambia, Nigeria, Brazil at Argentina.
Susunod naman ang Colombia, Costa Rica, United States, Jamaica, Canada, Switzerland, Germany at Denmark.
Patutunguhan din ng topeo ang Sweden, Norway, Ireland, England, Italy, Netherlands, France at Spain bago isakay sa Australia at New Zealand. | L.Bermudez intern