fbpx

P3.5 milyong halaga ng iPhone, sold sa auction sa US

Sold ng humigit-kumulang P3.5 milyon sa isang auction ang hindi pa nabubuksang first-generation iPhone sa United States.

Ayon sa may-ari ng nasabing iPhone na si Karen Green, natanggap niya ito noon bilang regalo mula sa kaniyang kaibigan.

Bagaman bago pa, hindi niya ito binubuksan dahil meron umano pa itong bagong telepono.

Ayon pa kay Green, ayaw umano nitong itapon ang telepono. Dahil ito umano ay iPhone, alam umano nito na hindi ito lilipasan ng panahon.

Nang ilagay niya ito for auction noon 2019, ang eight-gigabyte na iPhone na nabanggit ay tinatayang nagkakahalagang $5,000 o P275,000.

Ang bidding para sa nasabing iPhone ay nagsimula sa $2,500 o P137,000 at na-sold ,matapos ang 27 bids, sa hindi pinangalanang indibidwal sa US. | J.Laydia intern

About Author