fbpx

30,000 LIBRENG ROUND-TRIP TICKET PAPUNTANG HONG KONG INILAAN SA PILIPINAS

Hong Kong landscape night view

Naglaan ng 30,000 libreng round-trip ticket papuntang Hong Kong ang Hong Kong government para sa Pilipinas bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo ng rehiyon matapos ang COVID isolation.

Hong Kong landscape night view

Parte ng campaign na “World of Winners” ang mamigay ng 500,000 libreng flight ticket sa buong mundo.

Ito umano ay upang hikayatin ang mga tao na bumisita sa Hong Kong, na kamakailan lamang ay inalis ang face mask mandate na tumagal ng tatlong taon.

Aqualuna. Hong Kong

Ang 135,000 na economic-class tickets ay ipapamahagi sa Southeast Asian markets, kung saan ang Pilipinas ang makakatanggap ng karamihan sa alokasyon dahil sa kasikatan ng Hong Kong bilang isang destinasyon para sa mga Pilipino.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang Hong Kong Airport Authority (AAHK) ay sa mga business partners nito para sa mga special offers tulad na lamang ng mga hotel accommodation, shopping options at entertainment activities.

The Peak. Hong Kong

Ang Cathay Pacific at Hong Kong Airlines ang magdadala ng mga pasahero na nagmumula sa Pilipinas.

Paalala naman sa mga gustong makasama sa campaign na ang mga nakaplanong biyahe ay dapat nasa loob lamang ng susunod na siyam na buwan hanggang sa katapusan ng 2023.

Skyscrapers of Hong Kong, China

Magsisimula sa Marso 3, 12:00 nn, ang campaign na accessible sa website ng Cathay Pacific at Hong Kong Airlines, na first come, first served basis. | L.Bermudez intern

About Author