Pinaghahandaan na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang pagsalubong ng mga tao sa darating na Semana Santa ngayong Abril, dahil sa inaasahang libo-libong mga tao na dadagsa sa mga terminal papunta at palabas ng Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Land Transportation Franchising And Regulatory Board Technical Division Chief Joel Bolano, na naglabas din ang LTFRB ng 700 Special Permits.
Panawagan pa ng LTFRB sa mga driver at operator na maghanda ng lakas, sapat na tulog at kumain ng tamas a oras ng sagayon ay makaiwas sa aksidente.
Samantala, maglalagay naman ng assistance kiosks at dagdag na CCTV sa iba’t ibang bahagi ng paliparan ang LTFRB upang makasiguro na matutugunan ang posibleng maging reklamo ng mga pasahero. | Marinel Alon intern