fbpx

MGA MAHIRAP NA SENIOR CITIZENS SA BACOLOD, MAY P6,000 AYUDA PARA SA KANILANG KALUSUGAN

Naglaan ng P4-Million ang lokal na pamahalaan ng Bacolod City para sa pambili ng maintenance medicine para sa mahihirap na senior citizen, ayon sa pahayag nitong Huwebes.

Layunin kasi ng programa na mapabuti ang kalusugan at karamdaman ng mga matatanda sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access sa kinakailangang nilang gamot.

Simula ngayong taon, ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay na rin ng social pension sa mga kwalipikadong senior citizens.

Ang mga kwalipikado ay nakatakdang tumanggap ng tulong medikal pinansyal na PHP500 kada buwan o kabuuang PHP6,000 kada taon.(PNA) | C.Dimaandal, BChannel News intern

About Author