Pinagtibay ng Japan Bank International Corporation o JBIC ang relasyon at kooperasyon nito sa bansa matapos ang isang pagpupulong kay Pangulong Bongbong Marcos sa palasyo nitong Miyerkules.
Sa pahayag ni JBIC Chairman Tadashi Maeda ay nais umano nilang mapaigting ang kanilang relasyon sa Pilipinas lalo na sa energy sector ng bansa. Nais umano nilang maging bahagi sa pagpapaunlad ng energy sources ng bansa at ganoon din sa pamumuhunan sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Dagdag ni Maeda ay gusto umano nilang ipakita ang interes nito sa Pilipinas pagdating sa liquified natural gas (LNG) bilang isang tradisyunal na magiging suplay ng kuryente sa bansa. Gayundin, ang hydropower, paggamit ng solar at wind energy.
Kilala ang JBIC bilang isang pinansyal na institusyon sa ilalim ng Japanese Government na katuwang ng naturang bansa sa pagpapaunlad nito ng ekonomiya at ng iba pa nitong larangan. | J.Samarita, BChannel News intern