fbpx

PANUKALANG BATAS NA NAGTATAAS SA CHALK ALLOWANCE NG MGA GURO, LUSOT NA SA KOMITE SA KAMARA

Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang batas na naglalayong taasan ang “teaching supplies allowance” ng mga pampublikong guro sa bansa.

Labinpitong panukalang batas ang pinag-isa upang mabuo ang substitute bill at in-adopt din ang Senate Bill 1964 na counterpart measure sa Senado.

Sa ilalim ng panukala, sa school year 2023-2024 ang supply allowance ay itataas sa P7,500 mula sa kasalukuyang P5,000 at magiging P10,000 sa SY 2024-2025 at sa mga susunod pang taon.

Magpapatupad din ng periodic review sa halaga ng allowance kung saan ikokonsidera ang epekto ng inflation sa bilihin.

Nauna nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang panukala. | 📸 PNA

About Author