Isang Disaster Preparedness forum ang ginanap para sa Senior Citizens at Persons with Disabilities, na nilunsad ng SM Cares nitong Sabado ng umaga Hulyo 15, 2023, sa SM Center Lemery, Batangas.
Dinaluhan ang naturang forum ng higit 400 na mga senior citizen at PWD’s, na kung saan kadalasang pinaka-bulnerable sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
Layunin kasi ng forum na turuan ang PWD’s at senior citizens kung paano makatutugon at makaiwas sa panganib sa mga iba’t ibang sakuna at kalamidad gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan.
Ang mga nagsipagdalo ay binigyan ng “emergency pack” na naglalaman ng emergency string bag, lubid, emergency blanket, pito, mini-flashlight, at survival tool card.
Ang forum ay inisyatibo ng SM Cares, ang pangunahing advocacy platform ng SM Foundation, kung saan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lemery at ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno.
Naging tagapagsalita naman ang ilang opisyales ng ahensya na sina Dr. Likha Minimo (UP Resilience Institute), Supervising Research Science Specialist Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Ms. Joan Salcedo, Survival Expert Dr. Ted Esguerra of (Renowned Philippine-Mt. Everest Team Physician and experienced disaster and crisis management Specialist), at Weather Specialist Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Mr. Bernard Punzalan II.
Nagsilbing master of ceremony naman si Mr. Anton Montenegro Marcial a.k.a The Singing Dancing Host of the South para sa naturang forum.