Sinibak na sa pwesto ang Mayor ng Taysan, Batangas nang ipag-utos ng Office of the Ombudsman makaraan na mapatunayang guilty sa umano’y pangingikil at panggigipit nito sa mga quarry operator ng Taysan, Batangas.
Ngayong araw ng Sabado Agosto 12, tuluyan nang bumaba sa pwesto si Mayor Grande Pascua Gutierrez habang nanumpa naman ang bagong Mayor na si Vice Mayor Edilberto Abaday.
Ayon pa sa utos ng Ombudsman, pinakakansela rin ang eligibility nito, hindi rin makatatanggap ng retirement benefits, at habambuhay na disqualified sa paghawak ng kahit anong puwesto sa pamahalaan.
Depensa naman ni Mayor Gutierrez, wala umanong kapangyarihan ang Local Goverment unit ng Taysan sa quarry operations dahil sakop ito ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas.
Matatandaang inireklamo si Grande ni dating kagawad Brigido Villena noong December 9, 2020 dahil sa panggigipit nito sa mga quarry operator ng Taysan, Batangas.