fbpx

Pagpapalakas ng industriya ng cacao, gulay, mangga tampok sa pagpupulong na isinagawa ng DA-4A

Sa layuning patuloy na palakasin ang industrya ng gulay, cacao, at mangga sa rehiyon, nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A)  High Value Crop Development Program (HVCDP) serye ng mga pagpupulong kasama ang mga local na pamahalaan at mga samahan ng mga magsasaka noong Oktubre 17-18, 2023, sa Batangas City.

Sa pangunguna ni DA-4A Field Operations Division Chief at HVCDP Focal Person Engr. Redelliza Gruezo, inaalam ng kagawaran ang kalagayan ng mga naturang industriya.

Ito ang magiging basehan ng pagiging epektibo ng mga interbensyon na ipapamahagi at batayan ng mga plano sa hinaharap. 

Tinalakay din sa mga pagpupulong ang proseso upang maging isang akreditadong Civil Society Organization (CSO) nang sa gayon ay maging kwalipikado sa mga mas malaking interbensyon ng kagawaran. Tinalakay din ang mga programa ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na makakatulong sa pagbebenta ng kani-kanilang produkto.

Ibinahagi naman ni Mataas na Kahoy Vice-Mayor Jay Manalo, isa sa mga panauhin sa pagpupulong, na nasa agrikultura ang pera at malaking kita, kaya dapat na patuloy na iangat ang industriya kasabay ang paghimok sa mga kabataan na maging parte nito.

Kasama ang mga kawani mula sa mga Opisina ng Provincial Agriculturist sa CALABARZON at DA-4A, ang mga samahan  na dumalo sa pagpupulong mula sa mga maggugulay ay ang Samahan sa Industriya ng Paggugulayan (SIPAG) Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, mula naman sa mga magkacacao, dumalo ang Batangas Cacao Growers Association, Laguna Cacao Growers Association, Rizal Cacao Growers and Industry Development Council at Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan sa Quezon (SICAP), at mula naman sa mga mag-mamangga dumalo ang Samahan ng Magmamangga sa Kabite (SAMAKA), San Pablo City Mango Growers Association, Samahan ng Industriya ng Pagmamangga sa Bayan ng Pakil, Batangas Mango Federation Associations (BMFA), Batangas City Mango Farmers Association Inc., Rizal Mango Stakeholder Association at Quezon Mango Growers Association. | via Press Release DA-4A

About Author