fbpx

Batangas Vice Gov. Mark Leviste, nag-alok ng reward na P100K sa makapagsasabi ng kinaroroonan ni Catherine Camilon

Nag-alok si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng reward na P100,000.00 sa sinumang makapagsasabi o makapagtuturo sa kinaroroonan ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 finalist na si Catherine Camilon.

Ito ay matapos bumisita nitong Biyernes ng umaga si Vice Gov Leviste sa tahanan ng pamilya ni Camilon sa Tuy, Batangas.

Ayon kay Vice Gov Leviste, nakinig siya sa kuwento ng pamilya at nakipag-ugnayan na rin sa Tuy MPS ukol sa isinasagawang paghahanap at pagsisiyasat ng mga awtoridad.

Matatandaan na huling umanong nakausap ni ChinChin ang kanyang kapatid alas 8:00 ng gabi noong Huwebes Oktubre a-12 pero noong Biyernes Oktubre a-20 ng umaga ay hindi na matawagan ang kanyang cellphone at magpasa hanggang ngayon ay wala pa silang komunikasyon.

Dala ni Catherine ang sasakyan na Nissan JUKE with plate number NEI 2990 nang umalis ito sa Tuy, Batangas. Ayon naman sa Tuy MPS, mangyaring tumawag sa kanilang tanggapan sa 0998-598-5711 sakaling makita o matagpuan ang kinaroroonan ni Camilon.

About Author