fbpx

Benepisyo tulad ng discount sa gatas para sa mga bagong silang hanggang sa edad 12-anyos, itinutulak sa Kamara

mother feeding black baby from bottle

Itinutulak ngayon sa Kamara ang isang panukala na mabigyan din ng benepisyo ang mga bagong panganak hanggang sa pagsapit ng 12 anyos o ‘junior citizens’

Sa House Bill 8312 na inihain ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, awtomatikong mapapasailalim ang mga  junior citizen sa National Health Insurance Program at makatatanggap din ng mga diskwento gaya sa mga senior citizens.

Pasok sa programa ang mga junior citizen mula sa pamilya na may annual income na mas mababa sa P250,000, kung saan bibigyan ito ng libreng medical at dental checkup service at labo­ratory sa mga pampublikong ospital o health facility.

Bibigyan din sila ng 20% discount sa pribadong ospital at klinika.

Tulad ng sa senior citizens may discount din sila sa pagbili ng gamot at gatas pati na sa admission fee sa mga sinehan, entertainment, maging sa funeral at burial service kung pumanaw.

Sakaling maisabatas bibigyan sila ng Junior Citizen Identification Card at booklet na makukuha sa barangay o local government unit (LGU).

About Author