Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa labis-labis na pagkain ngayong holiday season na posibleng magdulot ng masama sa kalusugan.
Ayon kay DOH Secreatry Teodoro Herbosa, dapat na maghinay-hinay sa pagkain sa mga handaan ang publiko ngayong kapaskuhan dahil sa banta ng kalusugan gaya ng stroke, heart disease, cancer at diabetes.
Aniya, dapat iwasan o limitahan ang mga pagkain na mataba, matamis, maalat upang manatili pa ring malusog ang pangangatawan kahit kaliwa’t kanan ang kainan at party.
Abiso pa ni Herbosa, uminom ng maraming tubig at limitahan ang pag-inom ng alacohol o alak.