Magandang balita sa ating mga Kababayan na may idinadaing sa kanilang kalusugan!
Apat na halamang gamot ang pumasa sa masusing clinical trials na isinagawa ng Institute of Herbal Medicine sa University of the Philippines Manila.
Kabilang rito ang Ulasimang-Bato o Pansit-pansitan na natuklasan na epektibo para sa mga may mataas na antas ng uric acid, habang ang Yerba Buena ay may analgesic properties na pwedeng gawing pain reliever.
Epektibo naman ang ampalaya sa pagpapababa ng sugar level ng mga diabetic habang ang tsaang gubat na napatunayang epektibo sa pag-alis ng sakit sa tiyan, diarrhea o pagdurumi, at may bato sa apdo.
Tumagal ng hindi bababa sa pitong taon ang ginawang tests at clinical trials sa naturang herbal medicine.
Bagamat naaprubahan na ng Food and Drug Administration ang Tsaang Gubat ay hinihintay na lamang ang pansit-pansitan, yerba buena, at ampalaya.